Work Text:
"Alam mo napaka-stupid mo, Cheol. Do you think I'll like you? Asa!" maarteng asik ni Han.
Wala namang ginagawang masama si Cheol kay Han. Sadyang ganyan lang talaga siya—napakamaldita, masama ugali, palibhasa sikat kasi kaya sa utak-utak ni Cheol:
"Masyadong malaki ulo mo," pabalang na sagot ni Cheol.
"What?! Is that an insult?!" singhal agad ni Han.
"Hindi. 'Di naman kita gusto kaya anong pinagsasabi mo?" tanong nito habang nakatingin lang sa kaniya.
Eh sa totoo naman. Hindi naman talaga gusto ni Cheol si Han, nananahimik lang siya sa gilid tapos lumapit bigla ito. Sabay sabi na hindi raw siya magugustuhan, eh ang tanong ba, gusto niya ba si Han? Hindi naman.
Siya kasi ang bunot nung mga pa-bad boys sa campus nila na kaya niya namang sapakin na lang eh sa nagpapakabait siya kaya h’wag na lang. Umamin kasi yung isang girlfriend no'n kay Cheol nung tinulungan niya sa isang major subject nila na utos lang din naman ng prof. Kaya ayan, siya ang pinagtripan, nagkalat ng fake news at talagang dinikit pa ang pangalan ni Cheol kay Han.
"Huh! If I know, you are only saying that kasi akala mo it will affect me, 'no? Para iwas hiya ka!" giit pa ni Han habang nakataas ang kilay.
Jusko. Ang kulit. Kahit si Jeonghan na lang ang matirang tao sa mundo hindi ata magugustuhan ni Cheol. Napaka-arte, eh hindi naman sila close. Talagang napapansin niya lang dahil madalas niyang makita lalo na at blockmates sila.
"Hindi nga kita gusto. Hindi totoo yung sinasabi nila Ian," paglilinaw uli ni Cheol.
"I don't believe you," sagot ni Han.
At talagang pinaningkitan pa siya ng mata nito. Hindi na alam ni Cheol paano niyang sasabihin na hindi nga totoo. Kanina pa sila andito sa may tagong bahagi ng parking. Wala nang mga tao at tanging ang pulang kotse na lang ni Cheol ang nandoon.
"Okay, fine. I will make payag for you to kiss me, and then you will fuck off, okay?" ma-autoridad na utos ni Han.
Seungcheol scoffed. "Ang lakas mo, hindi nga sabi kita type," usal nito.
"Oh, it's okay. I understand you and your virgin ass," pang-aasar pa ni Han.
Sasagot pa dapat si Cheol eh kaso ewan kung anong tinitira ni Jeonghan at bigla nitong kinabig ang damit ni Cheol papalapit para magdikit ang mga labi nila.
Para kay Cheol, hindi nga marunong humalik si Jeonghan. Ang lakas siyang sabihan nito na virgin, eh kahit pakikipaghalikan mukhang hindi pa napapraktis nang maayos.
Nakapikit ang mga mata ni Han pero si Cheol, dilat ang mata at hindi gumagalaw. Ni hindi man lang ginagalaw ang sariling labi para salubungin ang pula at nangingintab na labi ni Han.
Limang minuto. Limang minuto silang magkadikit ang labi nang walang gumagalaw—tinaob ang 7-minutes in heaven sa limang minutong kahihiyan para kay Cheol.
Ayon na 'yon? Ang lakas manghamon pero wala rin namang bitaw.
Nung lumayo na si Han, tiningnan niya pang mabuti si Cheol. Kaso hindi niya alam kung mapipikon ba siya o ano. 'Yung tingin kasi ni Cheol parang wala man lang nangyari, parang dedma lang!
Nakakunot ang noo nito at 'yung salamin medyo tumabingi, kahit di naman sila masyadong gumalaw—siguro nung idinikit ni Han 'yung noo niya kay Cheol. Nakaangat pa 'yung itaas ng labi ni Cheol na parang sinasabi na, “Boring.”
“What?!” iritableng tanong ni Han.
“Ano? Okay na, pwede na 'ko umalis?” malamig na tanong ni Cheol.
“All that and ganyan reaction mo?! Did you not feel kilig and mahihimatay ka from the taste of my lips?!” singhal uli ni Han.
Napataas tuloy 'yung gilid ng labi ni Cheol, parang matatawa siya kaso baka ma-offend ito.
“Halik ba 'yon? Hindi ka nga marunong humalik. May pa-title ka pa rito na King of Giving Blue Balls kuno,” pang-aasar ni Cheol. “Uuwi na 'ko, ingat ka na lang.”
Tinapik pa ni Cheol ang balikat ni Han bago tuluyang tumalikod para dumeretso sa kotse nito.
Na-o-offend si Han! Hindi siya papayag na ganunin siya!
“Why?! Do you know how to kiss ba?! Then show me!” sigaw ni Han sa kaniya.
Napatigil tuloy si Cheol. Talagang sinundan pa siya hanggang kotse eh. Ewan ba't ang kulit.
“Kumpara sa 'yo, oo,” kampanteng sagot ni Cheol. “Tsaka hindi nga kita gusto, Yoon. Hindi ako kasama sa mga lalaking nagkakagusto sa 'yo.”
“Hahalikan mo lang naman ako! It's not as if I will let you fuck me!” giit pa nitong muli.
“Ang bastos ng bibig mo,” pangaral ni Cheol.
“Edi make my mouth shut!” hirit ni Han.
Pagkatapos sabihin 'yon ni Han, hinila niya muli ang damit ni Cheol para halikan ito. Pero ngayong beses, si Cheol na ang nag-initiate na igalaw ang labi.
Tangina, bahala na. Ipapakita lang naman eh.
Ayon, sinimulan ni Cheol. Ni hindi nga gentle ang galaw eh, akala mo may hinahabol sila sa labi ng isa't isa. Lasang-lasa ni Cheol 'yung ginamit na lipgloss ni Han. Bahagya pang kinagat ni Cheol 'yung pang-ibabang labi ni Han para kusa itong bumukas.
Who would have thought na maghahalikan sila nang ganito sa madilim na parking lot?
Lumalalim ang halik habang inaabot ng dila ni Cheol ang dila ni Han. Hindi niya alam kung saan galing 'yung tamis, pero ang nalalasahan ni Cheol ngayon ay sobrang tamis. Matamis na matamis, kaya gusto niya pa. Pinagbubutihan niya talaga ang bawat galaw.
“Hmm..” maingay na singhap ni Han.
At talagang gumawa pa ng tunog ang loko. Tinanggal pa nga niya 'yung salamin ni Cheol sa sobrang irita niya dahil may bumabangga sa mukha niya. Alam ding nasasarapan sa palitan nila ng laway eh. Nasaan na ang Laway Conscious na si Jeonghan Yoon? Kapag nakarating ‘to kay Joshua, pagtatawanan siya dahil kahit nga sa tumbler niya ay ayaw nitong nakikiinom ang iba.
Hindi nila alam kung gaano katagal silang nagpalitan ng laway. Ang sitwasyon na lang nila: nakalagay na ang mga braso ni Han sa leeg ni Cheol habang si Cheol naman ay hawak-hawak nang mahigpit ang bewang ni Han.
Nang bitawan ni Cheol at itinigil ang halikan, bahagya pang hinahabol ni Han ang labi niya. Reaching for more.
“N-no… more please..” hingal na sabi ni Han.
“Uuwi na 'ko. Napakita ko na sa 'yo.”
Parang maiiyak pa ata si Han. Gusto niya pa! Pakiramdam niya kinakawawa siya ngayon. Ngayon lang siya nasabik nang ganito bukod sa mga perfume collection niya.
He wants more of Cheol!
Pinilig ni Han ang ulo niya, showing Cheol his disagreement. Pero parang wala man lang nararamdaman doon si Cheol. Talagang pursigidong umuwi.
“I want more…” muling pakiusap ni Han.
“'Di nga pwede. Uuwi na 'ko, may kailangan pa 'kong gawin,” matigas na sabi ni Cheol.
“Then I will go with you!” giit ni Han.
“Ba't ba ang kulit mo? Hindi naman tayo close,” tanong ni Cheol habang nakatingin sa kaniya.
“You gave me your saliva, aren't we close?!” reklamo ni Han.
“Hindi. Tsaka akala ko ba lulubay ka na pagkahalik mo sa 'kin? Ikaw pala 'tong makulit eh,” pabalang na sagot ni Cheol.
Kitang-kita ni Cheol ang paghaba ng nguso ni Han. Pati ang pagtingin nito sa sariling mga kamay, tapos kitang-kita niya rin ang mahabang pilikmata nito habang nakayuko.
Nagpapaawa… akala ata cute siya.
“Tigilan mo 'yan. Akala ko member ka ng mean girls dito?” asar ni Cheol.
“What? What mean girls?!” iritang tanong ni Han.
“Wala. Una na 'ko,” huling sabi ni Cheol.
“But…” hirit pa ni Han.
'Di man lang tiningnan muli si Jeonghan. Dire-diretso lang si Cheol na pumunta sa driver's seat ng kotse. Parang wala lang nangyari eh. Bago umalis 'yung sasakyan ni Cheol, binusinahan pa talaga siya nito. Nakakainis!
Hindi tuloy alam ni Han kung ano ang magiging reaksyon. Pero ang sigurado niya... gusto niya pa.
Good thing, nakalimutan ni Cheol ang salamin niya kay Han! Kaya ito ngayon, nakahanap siya ng dahilan para makausap ulit ang lalaki. He even put it in a nice pink paper bag to hand to Cheol. Nasa dating pwesto pa rin si Cheol—nasa likod at may ginagawa sa iPad niya.
Hindi alam ni Han ba't parang sobrang gwapo ata ni Cheol ngayon. Dahil ba walang suot na salamin? Kanina rin naririnig niyang pinagbubulungan ng mga kaklase nila si Cheol eh.
“Cheol..” tawag ni Han sa kaniya.
Tiningnan ni Cheol kung sino ang nagsasalita. 'Di niya alam kung ano'ng nangyayari at bigla siyang nilapitan ni Han na may dalang pink na paper bag.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Cheol. Pero imbes na ma-offend si Han katulad ng dati, parang nag-init pa ang mga pisngi niya.
Bakit ang gwapo nito? At bakit namumula rin ang labi ni Cheol? Ganito ba talaga itsura nito?
“You forgot your eyeglasses kahapon… Diba I removed it…” mahinang saad ni Han.
“Ah. Salamat,” tipid na sagot ni Cheol.
Akala niyo ba aalis na si Jeonghan? Kahit paluin niyo pwet niya, magkukulit pa rin siya sa tabi ni Cheol. Talagang tinabihan niya pa eh! Buti hindi niya kaklase si Joshua sa subject na ‘to, kung hindi ay bunot siya noon.
“Cheol, can we talk about the kiss?” panimula ni Han.
“Ba’t?” tanong ni Cheol habang nakatutok pa rin sa ginagawa.
“Can we kiss again?” tanong ni Han nang walang pag aalinlangan
Para ata nakakita ng real-life question marks si Han sa paligid ni Cheol eh. 'Yung tingin nito sa kaniya, akala mo hinuhusgahan siya. Leche, nahihiya na tuloy siya!
“L-like… Uhm. 'Yung katulad yesterday? You even bit my lips... gusto ko… ulit,” utal na pakiusap ni Han.
“Ewan ko sa 'yo,” usal na lang ni Cheol.
Hindi alam ni Cheol kung anong trip ni Jeonghan. Pero hindi lang doon natapos ang pangungulit nito. Kahit nga ang iba nilang prof, napapansin na laging magkatabi ang dalawa.
“Oh, Mr. Yoon? Anong ginagawa mo diyan?” tanong ng prof nila.
“I want to sit with Cheol po,” mabilis na sagot ni Han.
Oh 'diba?
At talagang hindi natigil doon ang pangungulit ni Jeonghan kay Cheol. Ilang linggo atang gano'n—nakarating pa sa iba't ibang department at pinag-uusapan na sila. Isang beses habang nasa CR si Cheol, narinig niya pa ang dalawang estudyante na pinag-uusapan sila.
“Gago, nakita mo si Han kasama 'yung basag ulo na weirdo na 'yon?”
“Oo gago, baka ginayuma?”
“'Di naman papatol si Han do'n basta-basta. Ang sakit pa naman no'n sa mata manamit.”
Hindi naman nainis doon si Cheol, okay? Kasi kahit siya ay naguguluhan pa rin sa inaasta ni Han. Nagpalitan lang ng laway, nabaliw na agad sa kaniya? Gano'n ba ang explanation? Hindi niya alam! Hindi niya nga rin pinapansin eh.
Pero kung si Han ang tatanungin kung ba't siya lapit nang lapit kay Cheol? Ang masasabi niya lang:
“Eh sa gusto ko pa siyang ka-kiss, Shu!” maktol ni Han.
“Nababaliw ka na ba?!” sigaw sa kaniya ni Joshua.
Oo, hindi, baka, ewan! Hindi rin alam ni Jeonghan! Pero hinahanap niya kasi 'yung sarap na pinaramdam sa kaniya ni Cheol. Gusto niya ulit matikman 'yon.
“Nilaplap ka lang gusto mo na agad?!” tanong uli ni Joshua.
“You wouldn't understand!” sagot ni Han.
“Talaga! Kasi hindi pa ako baliw like you!” hirit ni Joshua.
Baliw ba talaga si Han? Mali ba na nasasabik siya sa mga halik ni Seungcheol? Eh in the first place, wala naman talaga siyang pakialam sa tao. Naiinis nga siya kapag nakikita niya 'to—lalo na 'yung pormahan nito. Kaya hindi niya alam kung anong uri ng kaguluhan 'tong nararamdaman niya ngayon.
