Work Text:
10:00 AM
Papikit-pikit pa si Jeo habang nagwawalis ng hallway, hila-hila ang dustpan para sumalo ng alikabok at kalat. Parang ngayong araw, hindi makapag-adjust ang mga mata niya sa contact lens na suot-suot niya. Bago pa naman ‘to. Di niya gets. Nalagyan naman niya ng solution kagabi. Expired na ba ‘to agad?
Dinadaan-daanan siya ng mga kasamahang lalaki, mga galing kwarto na pupunta ng CR at babalik. Aligaga ang lahat para masulit ang araw for planning and rehearsals para sa kanilang bagong weekly task na mini concert. Dahil ipeperform nila ang bagong version ng Pinoy Ako dance, ito ang unang inensayo ng boys kasama si Lorelaine. Dahil na rin sa kalikutan niya, napagod rin siya kaagad kagabi, kasabay ng pagbuhat-buhat ng props na inaayos at dinedecorate nila agad. Nagtataka siya kung bakit madali siyang mangawit ngayon, kasi nagdummbells rin naman na siya kagabi at kaninang paggising. Kahit na naalala niya yung sinabi sa kanya a few days ago na hindi daw pantay ang mga braso niya dahil sa isang braso lang lagi ang binubuhatan niya, pinilit niyang mas dalasan ang pagbubuhat sa magkabilang braso. At halos buong gabi pa niya kahapon di mahagilap ng tingin ang lagi niyang binabantayang—
“’Tol,” hinampas siya sa balikat ni Nathan, sabay hinila at inalog-alog. “Mamaya na ‘yan. Ang kintab na ng sahig, o. Kanina ka pa nagwawalis. Na-mop na yan ni Allen e.”
“Sige, ‘tol.” Sagot niya agad, pero patuloy pa rin naman siyang nagwalis. Sa ilang araw na niyang ginagawa ito ng buong araw, kusang ang mga braso at binti na niya ang gumagalaw para sa kanya. Kahit na malabo pa rin ang mga mata niya.
Nang napansin niyang nagbukas ang pintong nasa tapat niya, ang sa girls' bedroom, kahit malabo ang paningin niya ay sinubukan niya pa ring tumingala. Pero hindi niya maaninag kung sino ito. Hahawakan siya ng katapat niya, sisilipin ang mga matang sinisingkit ni Jeo.
“Okay ka lang, Emmanuel?” Boses ni Shea. Kukunin nito ang walis at dustpan sa kanya, pero tatango pa rin si Jeo para sumagot at hahabulin ang hawak. Maririnig niya ang mga yabag ng mga paa sa likod ni Shea, pababa ng hallway papuntang kusina. "Nahihilo ka ba?"
Sa dulo ng hallway, maririnig niya ang boses ni Lorelaine na sumigaw ng good morning, Gehlee! Hahabulin niya ito ng tingin, pero wala pa rin siyang makita. Malabo pa rin. Badtrip.
Makakaramdam naman siya ng panghihila papasok ng boys' bedroom, pakalas kay Shea. Iuupo siya nito sa kama niya, pagtapos ay iniabot sa kamay ni Jeo ang contacts case sa kaliwang kamay niya, at pagpatong ng case ng eyeglasses niya sa kanang binti. Maaaninag niya si Nathan.
"Amats ka pre, sa kabulagan mo di mo na alam anong nalagpasan mo!" Tatawa ito at aalis ng kwarto. Natameme si Jeo at tinanggal na ang contact lens niya.
12:30 PM
Nung narinig nila Winwyn na mukhang masama daw ang pakiramdam ni Jeo, kahit na pinipilit niyang hindi naman, hindi na siya pinatulong sa pagluluto. Parang kakaunting oras niya lang nakita kahapon si Gehlee dahil sa pagpapractice nila kahit sila naman ni Ronnie ang task leaders. Pero dahil pinayagan siyang mamahinga muna sa boys' bedroom, sinulit na niya ang oras para matulog na lang. Hihintayin niya rin ang request niya kay Kuya na bagong contact lens, lalo dahil naupuan kanina ang salamin niya at nabali.
Sa totoo lang, kailangan niya din ng extra time para matulog. Hindi siya makatulog nang maayos kagabi; parang pakiramdam niya tuloy, totoong may multo sa kwarto nila. O baka dahil nasasakal lang siya. Hindi siya mapakali. Parang bibilangin lang ng ilang minuto ang panahon na nakita at nakatabi niya si Gehlee kahapon. Umiiwas ba siya? Bakit naman? Baka busy lang talaga buong araw. Sino ka ba naman, Jeo? Bakit ka iiwasan nun?
Pero ang huling tanda lang din naman niya na pag-uusap nila ay nagpasalamat si Gehlee sa niluto niyang sinigang dahil marami na naman daw siyang nakain. Pagtapos ay halos buong araw silang nasa sala para pag-isipan ang gagawin na concert na itatanghal nila sa susunod na Linggo Pagkatapos ay nag-grupo-grupo ang mga gagawa ng kanya-kanya nilang production number. Maliban sa all-boys dance, gagawa rin ng dance routine si Primo, Nathan, at Jeo.
Halos nagpalipat-lipat rin siya ng lugar kagabi - sa activity area, sa bedroom, sa IKEA couch, sa big couch, sa dining, kusina, external den, halos every 10 minutes ay ibang lugar ang pinupuntahan niya. At for some reason, hindi mahagip ng mga mata niya si Gehlee. Sa'n sa'n ba yun nagpupupunta? Di kaya nakuha yun ni Kuya? O may secret task? Tsaka na lang tumigil sa pag-aalala at pag-iisip si Jeo nang tinapik na siya ni Primo at pinagsabihang magfocus sa pag-eensayo.
"Nasa confession room lang yun, par."
"Sino?"
"Sus, wag na tayo maglokohan." Bulong ni Primo.
Hanggang sa nung nagshower call na kagabi, wala siyang nakitang Gehlee.
Confession room na naman. Ano na naman ang trip ni Kuya?
Nakasapo sa noo ni Jeo ang braso nya, pampabigat sa sumasakit niyang ulo. Parang bumabalik rin sa kanya ang mga bulong kahapon. May pagbanggit ng pangalan niya. May pag-hum ng kanta niya. May tawanan at sigawan. Pero lumalabo ang paligid niya - ang pandinig, paningin, pakiramdam - kapag may kulang sa araw niya.
Pilitin niya na kayang gumawa ng turon ngayon? Baka biglang lumapit si Gehlee pag naamoy niya—
"Jeo?" May tumatawag sa kabilang banda ng saradong pinto, sabay bukas nito. Hindi sumagot si Jeo, nagpapanggap ulit na tulog. Hindi niya makilala ang boses, pero lalaki. Si Anthony? "Are you okay? Still sleeping?"
Magkukunwari sana siyang naalipungatan, pero sumara na ang pinto bago pa siya napabangon.
Maririnig niyang may magsasalita sa labas - "Let's let him rest for now, Gehlee. Let's heat the noodles for him later."
Binato ni Jeo ulit ang sarili sa kama para humiga. Peste, nasaan na ba 'yung contacts na yan! Kuya, ano na!!!
7:15 PM
Matapos ang maghapong pamamahinga ni Jeo, nagdesisyon na siyang lumabas ulit ng kwarto para maghapunan. Buti na lang ay pinayagan siya ni Kuya. Dahil ang iba ay nasa external den para mag-ensayo at plano, ang naabutan niya lang sa dining table na nag-uusap sina Mike, Primo, Lans, at Lorelaine. Si Nathan ay paikot-ikot sa kusina at nagwawalis nang may kasamang pagkanta at hum alternately ng Since Day One, tamang iwas lang sa buzzer.
Ngingitian siya ng lahat. Sasalubungin siya ng akbay ni Primo.
"Oks ka na, pre?"
Tatango naman si Jeo, iaadjust ulit ang salamin niya na nahanapan niya ng tape para pagdikitin temporarily sa gitna. Halos malaglag na sa may ilong niya. Ipaghahain ito ni Mikee, habang tatabi si Jeo kay Primo. Kinakanta ni Nathan ang Liwanag nang may konting bilis habang pinabibilisan ang paglalakad at pag-ikot-ikot. Ligalig.
"LSS na lahat ng tao sa kanta mo, Jeo. Kanina pa nila ulit kinakanta." Salubong agad ni Lans, sabay pag-abot ng tumbler niyang kanina lang ay nakatabi sa pink na tumbler ni Gehlee sa counter. Nalingat-lingat ulit ang tingin niya. Walang ibang tao. Maski sa malaking sofa area, parang tahimik. Sa'n si Gehlee?
"Ganda kasi e." Ilalapag ni Mikee ang isang mainit-init na lugaw, na may buong itlog. "Dapat dyan, sinusulat na tapos ginigitara tsaka record na! Request na natin kay Kuya na ipasama sa line-up natin."
"Tapos kaduet yung muse, 'no." Pang-aantsa ni Lans. Nag-umpisa nang maghipan ng isang subo si Jeo. Magkakatinginan si Primo at Laine, lihim na mapapangiti.
"Ay, sus. Ayaw niya ngang aminin kung sino, e." Aabutin pa ni Mikee ang pisgni ni Jeo across the table para pindutin.
"Ano na naman yan..." Sagot ni Jeo. Mapapakamot siya ng ulo. "Ano'ng amin, amin na naman. Ayoko nga ng ganyang topic, 'Te Mikee."
"Hayaan nyo na siya," saway naman ni Lans, na palihim na ngingiti. "Sasabihin niya yan kapag ready na siya. Di ba, Je?"
Kukunot ang noo ni Jeo, pero susubo na lang din. Nagutom rin siya sa buong araw na paghiga. Gaganahan siya lalong kumain nang maisip niya na hindi pa tapos ang gabi - may panahon pa para mag-ayos at bumawi sa araw na 'to. Hindi pa naman siya sanay na pumirmi at na hindi siya productive. Tsaka, parang kailangan niyang kausapin o makita man lang ang mga tao. Tsaka si Gehlee. Walang malisya, gusto niya lang lumapit kahit konti. Magcoconsult ulit sa bagong areglo nila. Baka pwedeng sa bagong kanta na sinimulan nila, pwedeng lagyan siguro ng Korean lyrics this time. Or English-Tagalog ulit. Or pwede naman niyang hamunin ang sarili niya na pure English naman this time para mas komportable si Gehl. Parang kating-kati na siyang tapusin yung kanta para pag buo na, pwede niya nang—
Pwede nang anuhin? Ha, Jeo?
Nawala na sa pandinig niya kung ano man ang pinag-uusapan ng mga tao sa paligid niya, basta't inubos na niya yung lugaw niya. Hinimay niya na rin sa gitna ang boiled egg na nakalagay at dinurog nang kaunti para ihalo sa natitirang lugaw.
"Bigay nga pala ni Gehlee yan. Sa'yo na lang daw ulit yung egg niya."
Napatingala si Jeo kay Lorelaine, napakunot ng noo. Matatawa si Lorelaine, hums teasingly.
"Bilis ng taas ng ulo a. Basta—"
"Jeo, tungkol ba kay Shea yung kanta mo?"
Nabulunan siya sa kinakain niya. "Ano?"
"Tapusin na kasi natin yung palaisipan, Jeo." Tuloy ni Mikee. "Okay lang naman kung may gusto ka dito sa bahay. Eh di ilayag natin. Tapusin natin yang kanta mo, kapain natin para malagyan na ng areglo. Tapos haranahin mo na si She. Para mag-aminan na kayo. Puro kayo paikot-ikot e."
"Ano?" Na para bang hindi pa rin maintindihan ni Jeo ang nangyayari ngayon. “Yung kanta ko, para kanino?!?!?!”
"Di ba, yung "liwanag"? Yung "anghel"? Yung "araw" at "buwan"? Ang galing mong magvisualize through words, e. Ang lalim ng paghahalintulad. Parang umpisa pa lang ng PBB, parang luminaw na lahat sa'yo, siya na yung gusto mong i-pursue. Di ba?" Tatawa si Lans. "Di mo kami maloloko sa platonic-platonic na yan, Jeo. Iba yung kinikilos mo."
"Ha?" Wala na namang ibang masabi si Jeo, napapakamot na lang ito ng ulo. Pinipigilan niya ang sarili na sumabog - di dapat siya mapipikon sa bahay. Lalo sa mga ate-atehan niya. Pero bakit ba kasi nila pinipilit malaman kung tungkol siya kanino?
"Pinagtitripan mo na naman ako, Ate Lans. Parang ganyan si Ate Cianne. Gusto ko lang ng kanta kasi nakakabagot na dito. 'Yun na 'yun."
"Aysus! In love ka lang! Wag ka na pumalag! Tutulungan ka naman namin!" Panunukso ulit ni Mikee.
Tahimik na nagpipigil ng tawa si Primo, na binubulungan ni Nathan. Nakatingin lang kay Jeo si Laine, pinapanood ang reaksyon niya.
"Luminaw ba mata mo nung dumaan siya? Yie!" Sasali ulit si Mikee. "Kahit si Gehlee tingin niya tungkol talaga kay Shea 'tong—"
"Gehlee?" Para ng pumintig ang tenga ni Jeo. At nang matapos niyang i-process ang sinabi ng Ate Mikee. Ano'ng tingin ni Gehlee? "Bakit? Bakit, bakit ano'ng sabi niya? Bakit na-bring up siya?"
Matatawa si Lorelaine. "Napag-usapan ulit kanina ng girls yung origin ng kanta mo. Tapos sabi ni Gehlee, parang anghel na bumaba sa langit tapos tumingin ka daw sa kitchen kung nasaan siya - so si Shea daw!-"
"MALI!!!!-" Di na napigilan ni Jeo ang mapasigaw sa sagot. Napahilamos na rin siya sa kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay, pinipiga ang ulo hanggang hilahin niya pataas ang buhok niya sa gigil. Tinatapik siya ni Primo sa balikat, pinapakalma para hindi tumayo at para pigilan rin ang sarili sa kung ano man ang iba niyang pwedeng gawin.
Sandali... all this time ba, iyon na ang naiisip ni Gehlee? Sa daming beses na nagsosolo silang dalawa? Sa tagal ng panahon na silang dalawa ang nagsusulat ng lyrics? Na lagi silang humihiwalay?
“Eh yun din theory ni Kuya Robbie, e.” Sabi ulit ni Lans.
Napapakamot na lang sa ulo ulit si Jeo.
Aalma pa sana siya pero tumunog ang bell at nagflash ang isang mensahe sa plasma TV -
“Jeo, pagkatapos kumain ay pumasok ka sa confession r—“
“Okay kuya!” Kumaripas agad ng takbo si Jeo, kahit na pumoprotesta ang mga kasama niya sa table. Iniisip rin naman niyang tanungin muna si Kuya kung bakit kailangan siya, pero nasa harap na siya ng pinto na agad-agad niya nang binuksan.
Dahil sa biglang tayo at takbo niya, panandalian siyang nahilo kaya napababa ang salamin niya. Nakaaninag siya ng isang pigura na nakaupo sa upuan at nakatingin sa kanya. Hindi niya inaasahan na may tao but... He knew who it was by her pink sweater and perfume scent. He kept squinting his eyes to get a clearer view of her, but he knows she was smiling. Mapapangiti rin siya at buntung-hininga.
"Jeo-wa!" She scoots slightly on her seat and taps the space to invite him. Agad naman siyang sumunod dito at umupo, still giving her a small space. "Are you okay na? You were out the whole day, a."
Jeo gently nods, kunwaring hinihilot ng dalawang daliri paikot ang gilid ng noo niya. Lalambot ang boses niya, "Sakit lang ng ulo ng slight, pero okay naman."
Nagsasalita na si Kuya and Gehlee looked in front of her to listen, pero hindi maalis ni Jeo ang tingin niya sa katabi. Mapapangiti siya sa pink na bandanang suot niya sa ulo, bagong padala ng Mama Ja niya sa bagong set ng maleta na pinapasok sa kanya. Nakalabas din ang dimples nito. Matatawa ito nang bahagya. Parang matagal niyang hindi ito nakita. Bigla namang mapapalingon si Gehlee sa kanya, pero hindi niya iiiwas ang tingin dito. Hihilutin niya ulit ang sentido niya.
"Uy Jeo, your contacts daw."
Mapapaupo nang maayos si Jeo at titingin sa harap niya para buksan ang isang maliit na box kung nasaan ang contacts at bagong solution niya. Agad niyang isusuot ito sa tapat ng salamin. Once his eyes settles, he turns around and sees her smiling at him. Malinaw na ulit, sa wakas.
Babalik siya sa upuan niya, at makikita niya rin sa table ang ballpens at isang iPad na may bukas na recording file. Nasa lap naman ni Gehlee ang isang notebook, kung saan may mga sulat na. Nasa taas ay, in big betters and underline, LIWANAG (?). Pipigilan niya ang sarili niyang ngumiti. "Ano meron? Buong araw ka bang nandito?"
She gives him the notebook. Perfect. Nasulat ni Gehlee ang lyrics nila just by memory. All of it, hanggang dulo. She put scribbles on the sides and margins. May drawing ng araw at buwan. May drawing din ng anghel na bumaba, kung saan parang nakaabang ang isang lalaking nakabandana. Matatawa si Jeo. Gehlee sees where he's looking at. "That's you!" Parang mahihiya si Jeo. Tinitignan niya ang drawing habang nagsasalita si Kuya. Wala na siyang marinig.
Binuklat naman ni Jeo ang notebook at nakita ang isa pang sulat ni Gehlee - yung lyrics naman nya sa Friendship Bracelet. Question marks pa lang ang title nito, pero may mga dagdag na verses dahil mukha na itong mas mahaba. Babasahin niya pa lang sana pero hahablutin ni Gehlee ang notebook at isasara. "Listen to Kuya nga muna!"
Dahil daw nakatapos ng isang kanta, at gumagawa ng isa pa, sina Jeo at Gehlee, gusto raw ni Kuya na isama nila ito sa kanilang concert. May sample arrangements na nakalagay sa tablet, na kanina pa pinakikinggan ni Gehlee. Nirequest ni Gehlee kay Kuya na bago siya makapagdesisyon, kailangan si Jeo ang may huling salita dahil mas original niya ito at tumulong lang siya. Meron daw silang hanggang bukas ng tanghali para tapusin ito, para marecord rin nila ang kanta.
Pagkalabas nila ng confession room, nagsolo ang dalawa sa IKEA couch sa tapat ng elevator. Tahimik ang paligid; maliban sa external den kung nasaan na ang lahat. Dadalhin ni Jeo ang tumbler nilang dalawa habang sukbit ang gitara na bigay sa kanila.
Titignan lang ni Jeo si Gehlee a few steps away habang abala at seryoso ito sa binabasa at sinusulat sa notebook. Pineplay rin niya ang isa sa mga recordings ng areglo at sumasabay sa pagkanta. She pauses at one point and silently comments about better instruments for certain parts. Siguro ay naramdaman ni Gehlee ang init ng titig sa kanya dahil tumingala ito at nasalubong ang mga mata ni Jeo. Agad naman umiwas ng tingin si Jeo at naglakad na ulit papunta sa kanya, at dahan-dahang uupo. She explains her thoughts about the arrangement, at sinabing ngayong may gitara sila, pwede nang lagyan ni Jeo ng tono niya. Irerecord daw nila pagkatapos ay gagawan daw ng better arrangement tomorrow.
Naririnig naman ni Jeo ang mga sinasabi ni Gehlee, pero hindi mawala ang tingin nito sa drawing ni Gehlee sa notebook niya. Yung anghel at yung lalaking nakabandana. Hindi niya alam ang mararamdaman niya o ang gagawin niya. Sinusubukan niya pang i-figure out kung ano ang nararamdaman niya, o kung meron man siyang gagawin o sasabihin o aaminin. Gusto niya lang naman kasi talagang maging subtle lang dahil takot siya sa sasabihin at gagawin ng mga kasama nila sa bahay. Lalo na ng pamilya nila at ng buong Pilipinas na nanonood sa kanila. Masyadong public, e. Iyon din ang hiningi niya kay Primo noon nung sinabi nito na may nahahalata daw ito sa kanya - na wag siyang tuksuhin o pangunahan.
Totoo naman na gusto niyang palaging nakikita o inaalalayan si Gehlee. Totoo rin naman na gusto niyang mapalapit dito. Ang tagal niya ring inunti-unti ang kung ano man ang meron sila dahil alam niyang noon ay hindi sanay o komportable si Gehlee sa mga lalaki, o sa ibang tao. Masaya siya sa lahat ng pag-uusap nila, sa mga pagkakataong napapatawa niya ito, o sinasakyan niya ang mga trip niya. Gustong-gusto niyang inaasar ito minsan, kasi nakakatawa ang tawa niya. Gusto niya rin minsan kapag sinasaway siya nito. Ayaw niya rin na napapahamak siya.
Pero totoo rin naman lahat ng sinabi niya sa kanta. Siya na 'yan e.
Na parang anghel na bumaba sa lupa.
Na nabihag na siya.
Na lumilinaw lang ang paningin niya kapag nakikita niya ito.
Noong unang araw pa lang, pagkatanggal ng piring sa entablado.
Nahulog na yata sa iyo, o sinta...
But how would he navigate his feelings? Kasama niya ito sa bahay, at kung hindi man ito mareciprocate ni Gehlee, o lalayo ito sa kanya, masisira ang koneksyon na meron silang dalawa - bagay na ayaw niyang mawala dito sa bahay. Kahit na sa dami ng mga bagay na nangyayari na hindi niya nagugustuhan, parte na siya ng dahilan kung bakit gusto pa rin niyang kumapit at manatili. Iniisip niya pa lang na pag umabot sila sa Big Night, excited na siyang ipakilala si Gehlee sa mama niya. O na mas magkakaroon sila ng pribadong oras nang walang mga nakatutok na camera. Kung susuko siya, hindi niya ito magagawa.
Syempre, maliban sa friendships na meron siya dito...
Pero lamang pa rin siya sa lahat.
Pero sa kabilang banda, parang hindi kaya ni Jeo na isipin na hindi maisip ni Gehlee kung para kanino talaga ang kanta niya.
Babalik sa tunay na mundo ang isip ni Jeo nang tapikin siya ni Gehlee. Ilalagay pa nito ang likod ng kamay niya sa noo ni Jeo, checking for his temperature. "Okay ka na ba? Nahihilo ka pa ata e."
Parang kinuryente sa noo si Jeo, pero wala siyang nagawa nung inalis rin agad ni Gehlee ang hawak niya.
Tumango pa rin siya. "May iniisip lang."
"Gusto mo ba bukas na lang tayo mag-ayos?"
HINDI. Mental answer agad niya. Pero mapapaayos ng upo si Jeo, tititig ulit sa anghel na drawing sa notebook na hawak ni Gehlee.
Iikot ang tingin ni Jeo sa paligid at makikitang ilang camera rin ang nakatutok sa kanila. Badtrip. Pero wala. Bahala na.
Itatago ni Jeo ang kamay sa kanyang likod at nang may takip na unan, palihim na papatayin ang lapel niya. Tinitignan lang siya ni Gehlee, pero makikita nito ang ginagawa niya. Manlalaki ang mga mata ni ganda.
Aabutin ni Jeo ang lapel ni Gehlee nang palihim to do the same.
"Don't talk para wala kang violation." He whispers lowly, para hindi rin halata na nangsasalita siya.
Tataasan siya ng kilay ni Gehlee, curious on what's happening.
Ituturo ni Jeo ang drawing ni Gehlee na anghel sa notebook. Titingin dito si Gehlee, at mapapalingon sa kanya.
Makikita ni Jeo na nakaclip sa bandana at buhok ni Gehlee ang angel wing hair clip nito, sa may taas ng tenga niya. Hindi niya na mapigilang ipakita ang malaki niyang ngiti. Ituturo niya ulit ang drawing.
"Ikaw yan, Gehl."
He watches as she kept on staring the drawing. O sa daliri niya. Parang habang tumatagal, lalong bumibilis ang pintig ng puso niya. Hindi niya alam kung ano'ng nasa isip ni ganda. Hala, nasindak ko na ba siya? Shit, mali ata 'to. Naririnig niya ang panunukso sa kanya ni Primo, na you ain't slick, pre! Binabasa niya mukha ni Gehlee, pero tahimik pa rin ito. Tinitignan niya ba yung drawing? Yung lyrics? Nagko-connect the dots ba siya?
Wala na, fuck it. Kung ito na ang huli para sa kanila, bahala na. Bahala na talaga.
Shet.
SHET.
Hindi pwede.
Pero wala e, kung ganun na talaga. Ganun na. Nagugulumihanan na siya.
"Basta..." Pahabol ulit ni Jeo. "Yun. Basta. Wag mong ipapamigay 'to. Hindi siya sa iba. Kanta mo 'yan. I mean-kanta ko yan, para sa'yo." Biglang nanunuyo ang lalamunan niya, kaya aabutin niya ang tubig niya. He watches as Gehlee reaches for her back to turn on her lapel -
"Alam ko."
Lilingon din si Gehlee kay Jeo, their eyes meeting. Kahit na natural kay Jeo ang iwasan ang mga ito noon, ngayon, gusto niya lang malunod dito. Parang mula mata hanggang labi, nakangiti at maliwanag lahat kay Gehlee. Nakalabas pa ang mga ngipin niya sa ngiting pinapakita niya. Parang ang araw sa sinulat niyang kanta. Na parang mas gusto niyang malunod sa kinang. Na nakakabulag man kung titignan nang matagal, hindi siya mag-aalinlangan.
Tatawanan siya nito at tuluyang haharapin.
"Your ears are so red, may lagnat ka ata e." She teases. Tuluyan nang mapapayuko si Jeo para itago ang mukha sa unan na nasa tabi niya. Tatawanan siya ulit ni Gehlee habang inaabot ang lapel ni Jeo para mabuksan na. She knows it would be too suspicious kung masyadong matagal nang nakapatay ang audio nila. "Let's finish our song, Mr. Buwan. Para we can start on the other one. I wanna use the other song I wrote e."
"Which one?"
"See, you don't remember na! Yung-" She clears her throat, and sings -
Sana na makita mo... Sa 'yong ngiti lang ako malambot...
Delikado ka sa aking puso
Di mo alam pero ako'y sayo
He stiffens. Sagot ba 'yun?
"Mas slow ka pa rin, tsk..." Bulong ni Gehlee, na hindi narinig ni Jeo. "Anyways, after that I'll also arrange and finish the Friendship Bracelet song. So, let's do this?"
"Okay pooo..." Hinabol muna ni Jeo ang hinga niya nang ilang beses, bago siya ulit umupo nang maayos at buksan na ang case ng gitara para kunin. Hindi maalis ang ngiti niya na halos abot na sa kanyang tenga. Hindi niya alam bigla kung kakayanin niya bang tignan pa si Gehlee habang kinakanta ito. Pero kailangan niya ring sulitin ang mga oras na ito - mamaya, hindi na nila ulit solo ang lugar. Ibabalik niyang muli si Gehlee sa kanilang housemates, lalo bilang task leader.
Pero ang mahalaga, malinaw na ang pagtingin niya. Nila.
Kahit di niya pa kayang tumingin ulit dito, babaling na lang ang mga mata niya sa purple bracelet niya na nasa kanang kamay ni Gehlee, na hawak-hawak ang liriko ng kantang para sa kanya.
